Advertisers
Binigyan diin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kahalagahan ng pagsalba sa buhay ng bawat Pilipino sa panahon ng pandemya sa kanyang ika-limang State of the Nation Address (SONA) kahapon.
“When pandemic struck I decided to prioritize life,” ani ng Pangulo. Nagpasalamat din ang Pangulo sa mga frontliners na buong tapang na nagsilbi sa bayan at isinugal ang buhay para sa kanilang pagganap ng tungkulin maisalba lamang ang buhay ng bawat isa at mapigilan ang pagkalat ng COVID-19.
“There are lessons to be learned from the COVID pandemic. It jolted us to realize that gains made after spending so much planning, effort, cost and time could diminish considerably and quickly reasons beyond one’s anticipation” anang pa ng Pangulo.
Nanawagan ang Pangulo sa lahat na Bayanihan sana ang pairalin ngayon kung saan magtulungan ang lahat para unti-unting makabangon sa pagkalugmok dahil sa epekto ng pandemic.
“Our profound gratitude goes to everyone who helped keep our country’s food supply chain running, the valiant soldiers, policemen, and security guards who kept peace and order in our community,” ani pa ng Pangulo.
Ayon pa sa Pangulo, ang panahon ng pandemya ang panahon para suportahan ng pamahalaan ang mga distressed Overseas Filipino Workers (OFWs) na pinauwi dahil sa pagsara at pagkalugi ng mga negosyo sa buong mundo dahil sa pandemic.
“I’m calling on the CHED for the scholarship program for the qualified dependents of our OFWs,” pahayag pa ng Pangulo.
“Sa mga kababayan ko naghihirap sa ibang bansa, nandito lang inyong gobyerno para matulungan kayo,” ito ang tugon ng Pangulo sa mga distressed OFWs lalo na ang mga ayaw umuwi sa bansa.
“Ito rin ang panahon para suportahan natin ang mga kababayang nagnenegosyo at gumawa ng produktong sariling atin,” pagsuporta ng Pangulo sa mga small business micro enterprise na gumagawa ng produktong tatak Pinoy.
“Panahon na rin para mawala ang pila para sa mapagsilbihan ng gobyerno ng walang hirap sa tao,” ani pa ng Pangulo.
Muling binanggit din ni Pangulong Duterte ang pinagtatalunang West Philippine Sea na wala siyang magawa dito dahil ayaw niya na humantong sa giyera.
Kaya ginagawa aniya ng gobyerno ang lahat para maprotektahan ang Pilipinas para sa karapatan sa South China sea taliwas sa sinasabi ng ilang kritiko na walang pwersang ginagawa para mapaalis dito ang mga Tsino.
“Alam mo, unless we are prepared to go to war, I would suggest that we better just call off and treat this as a diplomatic endeavor. China is claiming it, we are claiming it. China has the arms, we do not have it. So, it’s simple as that, they are in possession of the property,” wika ni Duterte.
Umapela naman si Pangulong Rodrigo Duterte sa China para maging prayoridad ang estado sa mga mabibigyan ng supply ng madidiskubre bakuna laban sa virus ng COVID-19.
“Four days ago, I made a plea to President Xi Jinping – if they have vaccine can they allow us to be one of the first, or if needed, if we have to buy it, that we be granted credit so we can normalize as fast as possible,” ani Duterte sa kanyang ikalimang State of the Nation Address (SONA) sa Batasang Pambansa.
Hindi naman na nagbigay ng karagdagang detalye ang presidente ukol sa pag-uusap nila ng pangulo ng China.
Binanggit din ng Pangulo ang mga proyekto sa ilalim ng Build, Build, Build program ng kanyang administasyon.
“Projects under the Build, Build, Build program have economic benefits to be distributed to all corners of the country.”
Samantala, pagsapit ng isang oras ng kanyang speech, saka lamang napamura ang pangulo dahil sa telecommunications (telcos).
“Ilang taon na ito? (Globe, Smart). Ang sagot palagi sa akin, the party cannot be reached. Saan nagpunta ang yawa na ‘yun? ‘Yung Smart pati itong Globe, ilang taon na ito. Kung ganoon lang naman ibigay niyo sa amin, the patience of the Filipino people is reaching its limit. And I will be the one to articulate their anger. Kindly improve the services before December… Kayo ang may pera, P***. You give us half-cooked deals, lousy service. Ang tao nagbabayad, tell us now if you can’t improve on it. If you cannot really improve on it because I will work. By December. The next two years will be spent improving the telecommunications in this country without you.”
Umabot ng isang oras at 40 minuto ang ika-5 SONA ni Pangulong Duterte na ginanap sa Batasang Pambansa.
Drilon, mga Lopez binanatan ni Duterte sa SONA
HAYAGANG binanatan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang ika-limang State of the Nation Address (SONA) ang mga kritiko partikular si Sen. Franklin Drilon at ABS-CBN na pag-aari ng mga Lopez.
Ayon kay Pangulong Duterte, nakakalungkot na habang kinakalaban ng gobyerno ang COVID-19 pandemic, may nagagawa pang magsamantala sa sitwasyon at isa rito si Sen. Drilon.
Sinabi pa ni Pangulong Duterte, aroganteng inihayag ni Sen. Drilon na hindi umano kailangang mayaman ang mga “oligarchs” at iniugnay ang anti-political dynasty advocacy sa “oligarchy issue.”
Dito partikular umanong tinukoy ni Sen. Drilon ang kanyang mga anak na sina Davao City Mayor Sara Duterte at Davao City Rep. Paolo Duterte.
“It is sad that while the government battles the coronavirus, there are those who take advantage of a preoccupied government. One of them is Senator Franklin Drilon,” ani Pangulong Duterte.
Kasabay nito, inihayag din ni Pangulong Duterte na naging “casualty” siya ng mga Lopez noong 2016 elections at iginiit na ang media ay makapangyarihang kasangkapan sa kamay ng mga “oligarchs” gaya ng mga Lopez na ginamit sa kanilang laban sa mga political figures.
Lethal injection isinulong ni Duterte
Sa kanyang ika-limang State of the Nation Address (SONA) kahapon nanawagan si Pangulong Rodrigo Duterte na ibalik ang death penalty sa bansa sa pamamagitan ng lethal injection lalo na sa paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
“Talagang binababoy tayo,” pahayag ng Pangulo hinggil sa hindi malipol-lipol na kalakalan ng droga sa bansa.
“I reiterate the passage of a law reviving the death penalty by legal injection for crimes specified under Comprehensive Dangerous Act of 2002,” pahayag pa ng Pangulo.
Naniniwala ang Pangulo na makatutulong ang pagbuhay muli sa parusang kamatayan para mabawasan ang kriminalidad sa bansa.
Sinabi pa ng Pangulo na maliligtas nito ang nanganganib na buhay at kinabukasan ng mga kabataan dahil sa illegal na droga.
“This law will not only help us deter criminality but also to save dangers caused by illegal and dangerous drugs,” ani pa ng Pangulo. (Vanz Fernandez/Josephine Patricio)