Advertisers
Nagpositibo sa coronavirus disease si Cardinal Luis Antonio Tagle sa kanyang pagdating sa Maynila kahapon.
Sa ulat ng CBCP News, kinumpirma ito ng Holy See Press Office sa ulat na inilabas ng Vatican News Biyernes ng gabi.
Ang Cardinal ay asymptomatic at sumasailalim na sa quarantine, ayon sa Vatican.
Samantala, nagsasagawa na rin ng contact tracing sa mga nakasalamuha ng Cardinal sa nagdaang mga araw.
Ayon sa Vatican, sumailalim ang Cardinal sa Covid-19 swab test sa Roma noong Setyembre 7 at siya ay negatibo.
Pinangunahan din nito ang isang online recollection para sa Filipino Covid-19 frontliners na inorganisa ng Caritas Philippines na nakabase sa Cebu.
Si Cardinal Tagle ay naging unang Roman curia dicastery head na nagkasakit ng virus. (Jocelyn Domenden/Andi Garcia)