Advertisers
LUMARGA na ang “Bus ni Isko” campaign caravan ni Aksyon Demokratiko standard bearer and Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso kahapon ng umaga.
Lulan ang mga youth voluneers ni Domagoso at tumungo sa Felix Huertas St., corner Blumentritt Street. Pagsapit ng tanghali ay tumungo naman sa Barangay San Dionisio, Paranque at tumungo rin sa Muntinlupa Public Market. Ang gimik ng mga kabataan, mamahagi ng mga campaign paraphernalia ni Isko, nagsagawa ng sinecaravan at free t-shirt printing.
Layunin ng mga youth volunteers ni Isko na isulong ang kandidatura ni Domagoso na may malinaw na plano para sa kabataan.