Advertisers

Advertisers

“Bagong San Mateo” isasakatuparan ng kandidatong Mayor sa Rizal

0 2,032

Advertisers

Maisasakatuparan na ang “BAGONG SAN MATEO” sa pangunguna ng kumakandidato bilang SAN MATEO MAYOR na si CANDIDATE BARTOLOME “OMIE” RIVERA na naglalayong mapaunlad ang kabuhayan sa lahat niyang mga kababayan.

Etong si SAN MATEO MAYOR CANDIDATE OMIE RIVERA ay nagpasimula ang kaniyang POLITICAL CAREER noong 1975 (17-taong gulang pa lang siya) bilang KABATAANG BARANGAY CHAIRMAN ng BRGY. STA. ANA, SAN MATEO na makalipas ang 47-taon ay preparado na siyang maging lider sa kanilang bayan

Nilalayon ni RIVERA na maipagpatuloy ang kaniyang napasimulan at ninanais na ang.lahat niyang mga natutunan sa nakalipas na 5-dekada ay kaniyang maisakatuparan.



Ang mga posisyong kaniyang pinagdaanan ay ang pagiging OIC COUNCILOR (appointed 1986); TOPNOTCHER COUNCILOR (elected 1992); kauna-unahan at tanging independent Vice Mayor (elected 1995); muling nahalal bilang.VICE MAYOR (1998, 2007, 2010); nahalal bilang RIZAL PROVINCIAL BOARD MEMBER (2016 at topnotcher 2019); at sa kasalukuyan ay CHAIRMAN ng RIZAL PROVINCIAL AGRICULTURAL COMMITTEE.

“Nais natin makita ang isang maunlad na bayan. Malapit lang tayo sa NCR, kaya kung kaya ng ating mga karatig bayan ang umunlad, kayang-kaya rin natin itong gawin.., at ito ang gusto nating mangyari, ang bagong mukha ng ating bayan ay maging mukha ng pag-unlad at pagtaas ng antas ng buhay. Kaya gusto natin ng Bagong San Mateo,” pagpapahayag ni RIVERA .

Ikinakampanya nito ang 4-point platform na naglalayong maipagpauna ang TRANSPARENCY, STRENGTHENING OF THE ECONOMY, SAFETY AND SECURITY IMPROVEMENT at ang pagiging VIBRANT COMMUNITY.

“Sinsero tayo sa pag-aalok nang ating plataporma: Gusto natin ng isang matapat na pamamahala kasabay ng isang maayos at karampatang sistema sa pangangalap ng buwis. Ibig sabihin, transparent ang lahat ng mga transaksyon, at makikita na talagang walang bahid ng korapsyon o red tape. Kung sakaling may sadya sa munisipyo, ikaw ay sasalubungin ng mga pinuno at kawani na bukod sa pagiging kwalipikado sa kanyang tungkulin ay matapat na magsisilbi sa kanyang pamayanan,” pagpupunto ni RIVERA para sa larangan ng TRANSPARENCY.

Sa ECONOMIC IMPROVEMENT naman ay inihayag nito na.., ““Gusto natin patatagin talaga ang ekonomiya sa ating bayan. Wala dapat maiwan, lalo na unti-unti na tayong bumabangon mula sa pandemya. Gusto natin lahat, maski maliliit na hanapbuhay, ay lumalago. Nais natin na tumatag ang bawat negosyo at patuloy na pumasok ang mga mamumuhunan at humikayat ng mga kapitalista kasabay ng pagparami sa hanay ng ating mga manggagawa.”



Pinapangarap din ni RIVERA na ang kanilang bayan ay maging isang tourist destination na makalilikha ng pangkabuhayan sa kaniyang mga kababayan at higit ay maipagkaloob ang seguridad at kaligtasan ng lahat ng mga residente.

”Sino nga naman ba ang hindi gugustuhin na mamuhay sa isang lugar na mapayapa at may aasahan ka pagdating ng oras ng pangangailangan, hindi ba? Gusto natin na maaasahan ang mga reresponde sa pangangailangan. Pag matitino ang pulis, mahusay ang mga bumbero, mabibilis ang mga first responders, may peace of mind ang ating mga constituents. Seryoso rin tayo sa ating kampanya laban sa ipinagbabawal na droga,” pagpupunto ni RIVERA na aniya ay malaking hamon na kinakailangan ang partisipasyon ng lahat ng mga residente.

“Itong Bagong San Mateo ay tapat, makatao, mapaglingkod, at responsibo. Katuwang ko sa misyong ito ang aking mga kasama sa line-up na si dating MMDA General Manager JOSE “Jojo” GARCIA na tumatakbong congressman ng 3rd District ng Rizal. Ang ating kasama na papalit sa akin sa Sangguniang Panlalawigan, dating konsehal JP BAUTISTA. Ang pamumunuin natin ng Sangguniang Bayan na dati na ring nagsilbing Vice Mayor ARIEL DIAZ,” paglalahad pa nito.

Ang 47-years na karanasan ni RIVERA sa public servant ang magiging sandata nito sa paggo-gobyerno sakaling siya ay mahalal.

“Ang mga karanasan ko na na ‘yan ang nakapagbigay sa akin ng maraming kaalaman sa anggulo ng governance. Ika nga, experience is the best teacher. At ang responsibilidad ng isang mayor ay hindi biro, kailangan mo ng karanasan upang maging epektibo ka. At sisikapin kong maging isang mahusay at maaasahan na alkalde kung mabigyan ng pagkakataon mamuno sa bayan ng San Mateo,” saad ni RIVERA.

***

Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com o magtext lamang sa 09085841303 para sa inyo pong mga panig.