Advertisers

Advertisers

Pagbenta sa Divisoria Market, kuwestiyunable – Bagatsing

0 211

Advertisers

I am text block. Click edit button to change this text. Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipiscing elit. Ut elit tellus, luctus nec ullamcorper mattis, pulvinar dapibus leo.

KUWESTIYUNABLE at hindi makatarungan ang pagbebenta ng administrasyong Moreno-Lacuna sa Divisoria Public Market kung saan daan-daang vendors at kanilang pamilya ang lubusang naapektuhan nito.

Ito ang binigyang-diin ni Manila Mayoralty Candidate Rep. Amado “Daddy A” Bagatsing sa kanyang pagdalo sa Pili Mo, Pili Ko, Pilipino!, Manila Mayoral Candidates Forum sa De La Salle University (DLSU) Manila.



Iginiit ni Bagatsing na “null and void’ ang bentahan dahil sa kabiguang masunod ang tamang proseso na itinatakda ng batas.

“I stand against the sale of the Divisoria Public Market. This is highly questionable and unlawful dahil bukod sa hindi nasunod ang tamang proseso, nawalan rin ng karapatan ang mga maliliit na vendor para sa due process,” ani Bagatsing.

Paliwanag niya, dapat nagkaroon muna ng isang ordinansa ang konseho ng Maynila na magbibigay pahintulot sa lokal na pamahalaan upang maibenta ang naturang lupain. “I am making this public statement regarding the sale of Divisoria Public Market dahil ngayon wala ng transparency, sila-sila lang ang nag-uusap eh,” dagdag pa niya.

Bukod sa palengke, may mga nakalap na ring ulat si Bagatsing na marami pang naibenta ang lokal na pamahalaan ng Maynila na pilit umanong tinatago sa publiko.

Magugunitang una ng humingi ng tulong sa pamahalaan ang iba’t ibang kooperatiba ng Divisoria Public market dahil hindi aniya sila nakonsulta o nabigyan ng maayos na abiso sa ginawang pagbebenta ng palengke sa pribadong kumpanya sa panahon ng pandemya.



Nilinaw rin ng Ama ng Kabalikat ng Bayan sa Kaunlaran (KABAKA) sa forum na P25 bilyong piso ang inutang ng lokal na pamahalaan at hindi P15 bilyon na lubhang nakakabahala dahil bukod sa laki ng halaga, hindi rin aniya tama ang pamamaraan ng paggastos rito higit lalo kasalukuyan pa ring may pandemya sa bansa.

Naniniwala naman ang mga vendor na natatakot lang si Lacuna na madikdik hinggil sa bentahan ng Divisoria Market kung kaya’t hindi ito dumalo sa nasabing Forum.