Advertisers

Advertisers

Deployment ng OFWs sa Saudi nananatiling suspendido – DOLE

0 161

Advertisers

SUSPENDIDO pa rin ang deployment ng mga overseas Filipino workers (OFWs) sa Saudi Arabia, ayon sa Department of Labor and Employment (DOLE).

Paglilinaw ito ng DOLE matapos lumabas ang pekeng advisory na may petsang Abril 4, 2022.

Nakasaad sa pekeng “Advisory No. 69 series of 2022” na lifted na ang deployment ban sa kingdom.



Ayon kay DOLE information Publication Service Director Rolly Francia, fake daw ang naturang advisory at walang inilabas ang DOLE na ganitong kautusan.

Ani Francia, layon lamang umano ng pekeng dokumento na lituhin ang publiko at ang mga manggagawa na nais nang magtungo sa Saudi Arabia.

Dagdag ng opisyal na kinumpirma raw ni Philippine Overseas Employment Administration (POEA) chief Bernard Olalia na wala itong pinirmahan o inisyu na advisory.

Sa ngayon, nagpasaklolo na rin daw ang DOLE sa mga otoridad para tuntunin ang source ng bogus advisory.

Noong Nobyembre noong nakaraang taon, ipinag-utos ni Labor Secretary Silvestre Bello III sa labor attaches ng Manila sa Saudi Arabia para ihinto ang verification ng bagong kontrata para sa household service workers habang bumubuo naman ang technical working group ng bagong verification rules para sa kanilang deployment.



Nag-ugat ang naturang isyu sa non-payment ng mga sahod at end-of-service benefits para sa mga OFWs na mayroong isa o dalawang taon na sa kingdom na nagkakahalaga ng P4 billion.