Advertisers

Advertisers

KURSONG AGRIKULTURA PALALAKASIN NI ISKO

0 274

Advertisers

HINDI lamang science technology, engineering at mathematics (STEM) ang kailangang matutunan ng mga kabataang Pilipino upang makasabay sa mahigpit na kumpetisyon sa mundo.

Sa panayam ng media sa Zamboanga del Sur kamakailan, sinabi ni Aksyon Demokratiko presidential aspirant Manila Mayor Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso na idaragdag niya ang kurso sa agrikultura sa STEM upang maarmasan ang mga estudyante upang matulungan ang bansa sa pagkakaroon ng sapat na pagkain at hindi na umasa pa sa importasyon.

Sabi ni Yorme Isko, pupuhunan niya ang STEM dahil nakita niya sa pagikot-ikot sa buong bansa ang hirap na dinaranas ng mga magsasaka para makapagprodyus ng pagkain.



“Talagang hirap e sila yung nagpapakain sa atin, sila yung nagbibigay sa atin ng kasiguruhan na mayroon tayong makakain at di na tayo dependent sa importation,” ani pa ni Isko sa media.

Kaya, paliwanag ni Yorme Isko, ang STEM ay magiging STEAM na.

‘Yung science and technology, S, T, at Engineering, E, at Mathematics, M ay may A, at A is for agriculture. Ito ay ating ibabalik na part ng curriculum kung paano makapaghanapbuhay sa pagsasaka o pagtatanim,” paliwanag ni Yorme Isko.

Binanggit niya ang mga overseas Filipino workers (OFWs) at ano ang maaaring maging hanapbuhay nila sa pagbabalik nila sa bansa.

“Maaaring meron sila kaunting ipon o bahay yung iba wala pa. Paano natin sila ma-integrate? Mag-eemoleyo uli sila o bumalik sa pagtatanim, sa agriculture. Kailangan nila uli ang gobyerno, ang Department of Agriculture,” sabi ni Yorme Isko.



Kung maraming kaalaman sa agrikultura ang mga estudyante, malaki ang maitutulong nila sa mga magsasaka upang maparami ang ani at ito ay makapagbibigay ng sapat na pagkain at matiyak ang seguridad sa pagkain sa bansa. (BP)