Advertisers
Dead on the spot ang isang babaeng guro kabilang ang kanyang mister na naghatid sa kanya sa eskwehalan nang barilin ng shotgun ng principal sa loob ng Bilbao Uybico National High Campus na matatagpuan sa Barangay Pook, Hinobaan, Negros Occidental.
Kinilala ang biktima na si Almarissa Aroy, Senior High Teacher ng Bilbao Uybico National High School; at ang kanyang mister na si Christopher Aroy isang call center agent.
Ayon kay Hinobaan Chief of Police, Police Major John Ganzon, 8:30 ng umaga nitong Martes isang tawag ang kanilang natanggap na may nagyaring pamamaril sa loob ng nasabing campus.
Kaagad na pinuntahan ang nasabing lugar sa pangunguna ni P/Lt. Jaime Dequillo at bumungad sa kanila ang unang bangkay ng principal na si Warren Escosar na nakahandusay katabi ang kalibre 45 na baril.
Nakadapa naman sa harapan ng isang Toyota Corola sa parking area si Christopher habang nasa loob ng silid-aralan naman si Almarissa.
Ayon kay Major Ganzon, dumating ang mag-asawa na nakamotor at nagkaroon ng komprontasyon sa panig ng mag-asawang biktima at salarin na kalaunay sinundan ng putok.
Dito na nakitang bumulagta ang mister habang tumatakbo naman ang guro papasok sa silid kung saan sinundan ni Escosar at binaril din ng shotgun na agad na ikinamatay.
Matapos ang pamamaril ni Escosar sa mag-asawa agad itong pumunta sa kanyang Nissan Navarra at kinuha ang kalibre 45 at dito na siya nagbaril sa kanyang sentido.
Lumitaw sa paunang imbistigasyon, na nitong rin araw ng Martes maghain ng reklamo ang guro laban sa kanyang principal.
“Si Misis Aroy mag-file ng complaint against kay principal, iwan ko kung bakit nagkomprontasyon sila ni principal na may ipa-file na complaint si teacher sa kanya siguro nagkasagutan doon, pinipigilan ayaw magpapigil ni teacher na magrereklamo talaga sa allleged na sexual harassment” wika ni Ganzon.
“Expected ngayong araw na pupunta si teacher dito sa police station na magpa-file sana ng reklamo nya against kay principal but sad to say Sir nabigla nalang ako na may shooting incident at nabigla ako Sir na si principal at dalawang biktima ang patay doon,” dagdag na pahayag ng opisyal.
Napag-alaman na bago nangyari ang nasabing inisdente, nagpapaabot na ang biktimang guro ng impormasyon sa kanyang mga kaibigan na magrereklamo ito labang sa kanyang principal.