Advertisers

Advertisers

Mataas na trust at approval ratings ni Duterte ikinatuwa ng Palasyo

0 185

Advertisers

NAGPAABOT ng pasasalamat ang Malakanyang sa walang sawang suporta at tiwala ng publiko kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Sinabi ito ni Acting Presidential Spokesman Sec. Martin Andanar kasunod nang inilabas na resulta ng survey ng Publicus Asia kung saan nananatiling mataas ang approval at trust ratings ni Pangulong Duterte.

Batay sa survey, nakakuha si Pangulong Duterte ng 67.2 approval rating at 61.8 trust rating sa unang quarter ng 2022.



Ayon kay Andanar, makakaasa ang publiko na magtutuloy-tuloy ang serbisyo publiko ng Punong Ehekutibo hanggang sa huling araw nito sa kanyang termino.

Isinagawa ang survey mula March 30 hanggang April 6, 2022.  (Vanz Fernandez)