Advertisers

Advertisers

Nagpakalat ng fake exit poll result ng overseas voting kakasuhan ng Comelec

0 249

Advertisers

HAHABULIN ng Commission on Elections (Comelec) ang mga indibidwal na responsable sa pagpapakalat ng resulta ng ‘di kapani-paniwalang exit polls.

“We will go after any individual na nagpapakalat ng (spreading) fake news. What will be the proper case or violation, we will likewise study that,” pahayag ni Comelec Commissioner George Garcia sa panayam ng CNN Philippines nitong Martes.

“The option that we have is prosecution,” dagdag ni Garcia.



Sinabi ni Garcia na ang bagong buong task force ang wawasak ng mga pinagmulan ng fake news at disinformation.

Una nang nilinaw ng Comelec na ang exit poll ay hindi katumbas ng resulta ng opisyal na halalan.

Hinikayat din ni Garcia ang publiko na huwag ientertain ang mga exit polls lalo na ang mga gumagamit ng kahina-hinalang paraan na pabor sa isang kandidato.

“Ang problem ho kasi natin sa mga exit polls din, pag lumabas, minsan ‘yung botante ‘pag tinanong, ‘sino yung binoto mo?,’ mamaya sabihin, ‘si X ang binoto ko’ pero si Y talaga ang binoto niya,” ani Garcia. “It may not be that accurate, That is why we should stick to whoever we want to vote.”

Nitong Abril 10 ay nagsimula na ang overseas absentee voting ngunit ang mga boto na ito kasama ang mga boto ng mayorya ng mga Pilipino ay bibilangin lamang sa mismong araw ng eleksyon sa Mayo 9.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">