Advertisers

Advertisers

‘Washing of the feet’ ng mga election workers, isasagawa ni Cardinal Advincula sa Huwebes Santo

0 172

Advertisers

MAKAHULUGAN at literal na isasagawa ni Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula ang paghuhugas ng mga paa ng mga mga election workers, na magsisilbi sa May 9 national and local elections, sa 12 indibidwal sa Huwebes Santo, Abril 14.

Ayon sa maimpluwensiyang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP), kabilang sa mga huhugasan ng paa ay dalawang miyembro ng Electoral Board at tatlong opisyal ng Commission on Elections (Comelec).

Kasama rin ang tatlong first time voters, tatlong miyembro ng poll watchdog na Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRC) at isang journalist.



Base sa tradisyon, nagdaraos ang Simbahang Katolika ng banal na misa tuwing Huwebes Santo, na tinatawag na Mass of the Lord’s Supper.

Bahagi nito ang ritwal ng Washing of the Feet, bilang simbolo nang ginawang paghuhugas ni Hesus sa mga paa ng kanyang mga apostol bago siya ipako sa Krus. (ANDI GARCIA)