Advertisers

Advertisers

DIRTY TRICKS NG PINKLAWAN, KINASTIGO NI YORME ISKO

0 284

Advertisers

“MARUMI talagang maglaro ang kampo ng Pinklawan!”

Ganito tinawag ni Aksyon Demokratiko stamdard bearer Manila Mayor Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso nitong Lunes, Abril 18, ang biglang pagsulpot sa social media ng isang lumang larawan niya, kasama si dating Sen. Ferdinand Marcos Jr.

Itinanong ito kay Yorme Isko ng mga reporter, ilang oras matapos ang pagdating ng pangkat ng Aksyon Demokratiko sa Surigao City upang ilatag sa mga botante ang mga programa ng gobyerno ng kanyang administrasyon kung mananalong pangulo sa eleksyon sa Mayo 9, 2022.



Kumalat ang larawang iyon matapos na manawagan si Yorme Isko, kasama ang dalawang kandidatong pangulo sa presscon noong Linggo, Abril 17 sa Manila Peninsula Hotel, Makati na si VP Leni Robredo ang dapat na umatras sa halalan.

Deretsang sinagot ni Isko na ang paninira sa kanya ay nanggaling sa pinklawan.

“Straightforward, galing na naman sa kampo ng dilaw na kung tawagin ngayon ay pinklawan. Ganya karumi maglaro ang pinklawan, sobra, sobra,” sabi ng 47-anyos na alkalde ng Maynila.

Pinalalabas sa litrato na si Yorme Isko ay “kakampi” ni BBM (Marcos Jr.) at hindi dapat na pagkatiwalaang ibotong pangulo.

Noon pang Pebrero 2021 lumabas ang litrato nang inimbitahan siya sa pagbubukas ng isang nagsaradong restoran sa Maynila.



“Ako ang mayor, kaya masaya ako na isang businessman invested in the city, sa naluging restoran. They call it Emerald Restaurant. Opening, ako ang nag cut ng ribbon,” sabi ni Yorme Isko.

Noong panahong iyon, hindi pa opisyal na kandidatong pangulo sina BBM at Isko.

“Nag-cut ako ng ribbon, ako ang mayor, salamat may nagnegosyo, may trabaho, tapos nagkasal ako. Kinasal ko ‘yung may-ari,” sabi ni Yorme Isko.

Tungkol sa panawagan niya kay VP Leni Robredo na umatras na ito sa eleksyon ay dahil sa reaksyon niya sa analisis ni dating Defense Secretary Norberto Gonzales na maaaring ang mga ayaw kay Robredo ay iboto si Marcos.

“Nag-react lang ako kay Sec. Norberto, at ang analisis niya,… it makes sense. Sabi nga, kumbaga sa basketball, kung hindi maka-shoot ‘yung player, sub muna,” sabi ni Yorme Isko.

Hindi rin alam ni Sen. Ping Lacson ang tungkol sa panawagang ‘Withdraw Leni.”

Nangyari ang panawagang pag’atras ni Robredo dahil sa pinalalabas ng ilang reporter na dalawa na lamang — sina Marcos at Robredo — ang naglalaban sa halalan.

Sinabi sa presscon nina Yorme Isko, Lacson at Gonzales, na hindi sila aatras at nangako na tutulong kung sinoman ang manalo sa kanila sa eleksyon. (BP)