Advertisers

Advertisers

Konsehal at utol patay sa banggaan

0 180

Advertisers

Patay ang isang konsehal at kapatid nitong nang mabangga ang kotse hanggang sa nagkarambola ang dalawa pang sasakyan nitong Lunes sa M’Lang North Cotabato.

Kinilala ang mga nasawi na sina Datu Piang Municipal Councilor Musa Bago, 58; at kapatid nitong si Panday Dong Bago, 48, kapwa residente sa nasabing lugar.

Ginagamot naman sa ospital ang mga sugatan na sakay noong sina Ali Cusain, Muhammad Bago, Adjes Mantil, Mao Bago at alias Candana.



Batay sa report ng M’lang Police Station, dakong 7:00 AM naganap ang insidente sa Poblacion M’lang, Purok 5, Langkong, North Cotabato.

Lumabas sa paunang imbestigasyon ng pulisya, lulan ng Toyota Hilux pick-up ang konsehal, kapatid at mga kasamang sugatan patungong Tulunan sa North Cotabato.

Pagdating sa nasabing lugar bigla na lamang silang bumangga sa Honda Brio na minamaneho ni Nathaniel Narciso, at sakay nitong si Jenny Ngalis.

Nawalan naman ng preno ang Honda Brio na siyang naging dahilan ng pagkakabangga ng kasunod nitong Ford Ranger.

Nabulaga naman ang isa pang Toyota Hilux na nasa kasalungat na direksyon at tuluyan na ring bumangga sa tatlong nabanggit na sasakyan.



Sa lakas ng salpukan nahulog sa gilid ng kalsada ang sasakyan ng konsehal na naging sanhi ng agaran nilang kamatayan magkapatid.

Nagpapatuloy naman ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa nasabing insidente.