Advertisers

Advertisers

Comelec ‘di pa binabayaran ang P90-M sa Smartmatic dahil sa data breach

0 190

Advertisers

HINDI pa binabayaran ng Commission on Elections (COMELEC) ang P90 milyon sa Smartmatic dahil sa umano’y data breach na konektado sa isa sa mga contractual employees nito.

Sinabi ni Comelec Chairman Saidamen Pangarungan na hindi pa niya nilalagdaan ang pagpapalabas ng P90 milyong kabayaran sa Smartmatic habang isinasagawa pa ng National Bureau of Investigation ang imbestigasyon kaugnay sa nabanggit na isyu.

“So far, we have not put in any of these except to withhold payment to Smartmatic. I have not signed the voucher for the payment to Smartmatic in amount of P90 million pursuant to our contract because we want to clear this matter about this leakage… of some data,” wika ni Pangarungan sa pagharap sa Senate electoral reforms and people’s participation committee hinggil sa pagdinig sa data breach.



Aniya, ang P90 milyon ay bahagi sana ng ikatlong tranche ng pagbabayad ng Comelec sa Smartmatic na dapat bayaran noong unang bahagi ng Marso.

Ilalabas lamang aniya ng poll body ang nasabing pondo kapag napatunayang inosente ang Smartmatic sa paglabas ng data nito.

“Once we are convinced that Smartmatic is innocent about this leakage of the data,” tugon ni Pangarungan nang tanungin ni Senador Imee Marcos, chairman ng komite kung kailan ilalabas ng Comelec ang naturang kabayaran sa Smartmatic at sa anong kondisyon.

Samantala, inihayag ni Smartmatic Legal Officer Christian Lim na patuloy ang kanilang kooperasyon sa poll body hinggil sa naturang isyu.

Nauna nang inanunsyo ng Comelec noong Mayo 2021 na iginawad sa joint venture ng Smartmatic USA Corporation at Smartmatic Philippines ang P402.7 milyon na kontrata upang ibigay ang software na gagamitin sa halalan sa Mayo 9. (Mylene Alfonso)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">