Advertisers

Advertisers

Pulis nanutok ng baril sa nakaalitan

0 503

Advertisers

Nagwala ang isang pulis at nanutok ng baril sa isang lalaking nakaalitan sa Quezon City, at sinabing papatayin niya ito.

Kita sa isang viral video ang insidente noong Abril 29, Linggo, kung saan nakitang nakikipag-away ang isang police corporal kay alyas Ronnie, bayaw ng kasintahan ng pulis, sa Barangay Pasong Tamo.

Bago umano ang insidente, binato umano ng pulis ng helmet ang kasintahan niya at tinamaan ang gate nina Ronnie. Pero sa pangalawang pagkakataon ng pambabato, ang girlfriend na ang tinamaan nito at nagkaalitan matapos umawat ni Ronnie.



Naabutan sa Kampo Karingal si Ronnie kasama ang kaniyang live-in partner, na kapatid ng kasintahan ng police corporal, para muling magsampa ng reklamo laban sa pulis.

Ayon sa biktima, hindi ito ang unang beses na nagwala ang nasabing pulis, lalo na sa tuwing nasa impluwensiya ng alak, kaya dati na nila itong sinampahan ng reklamo.

Pero sa halos higit 40 beses na nagwala raw ang pulis, ito raw ang unang beses na tinutukan siya ng baril.

Ayon sa kumuha ng video, sinisisi raw sila ng pulis dahil sa mga naunang kaso nila laban sa kaniya hindi raw matuloy tuloy ang kanyang promotion.

Siniguro naman ng QCPD na mananagot ang pulis, na naka-assign umano sa QCPD Station 14 drug enforcement unit.



Sapat na ebidensya na umano ang cellphone video kaya may posibilidad na matanggal sa serbisyo ang pulis kung mapatunayan ang mga alegasyon sa kaniya.

Nakatakdang i-assign sa holding and accounting unit ng QCPD ang police corporal habang dinidinig ang kaso nito.

Ilan sa mga kaso na kakaharapin ng pulis ang grave threat, grave misconduct at conduct unbecoming of a police officer, at paglabag sa code of ethical standards for public officials.