Advertisers
Patay ang isang driver at anak nito nang mahulog sa bangin ang sinasakyan nilang truck sa Real, Quezon noong Lunes.
Sa ulat ng Real police, kinilala ang mga nasawi na sina Alfonso Castro, 41; at anak na si Allen, 21, at kapwa residente ng Baliwag, Bulacan.
Base sa imbestigasyon, binabagtas ng truck ang pababang highway patungo sa direksiyon ng Infanta nang mangyari ang aksidente 7:45 ng umaga.
Nagdire-diretso ang truck sa pakurbadang daan na walang mga harang, hanggang sa bumangga sa mga puno at nahulog sa banging may lalim na 40 talapakan.
Nagkawasak-wasak ang truck na may kargang animal feeds at naipit sa loob ang mga biktima.
Tumagal nang 3 oras bago nahugot ng rescue team ang mga biktima, na itinakbo sa rural health unit pero idineklara ring dead on arrival.(Mark Obleada)