Advertisers
TIMBOG ang 22-anyos na kagawad ng Sangguniang Kabataan (SK) matapos makuhanan ng shabu sa isang checkpoint sa Barangay San Pedro, Sta. Ana, Pampanga, Biyernes ng gabi.
Kinilala ang nadakip na si Ryan Christian Macapagal.
Sa report, sinita si Macapagal sa checkpoint dahil sa hindi pagsusuot ng face mask. Pero habang tinatanong, tinangka umano nitong takasan ang awtoridad, at habang umiilag ay nahulog ang pakete ng sigarilyo na may lamang 3 sachet ng shabu.
Agad itong inaresto at napag-alamang isang SK kagawad sa bayan ng Arayat.
Bukod sa paglabag sa Provincial Ordinance No. 756 in relation to Republic Act 1133, kakasuhan rin si Macapagal ng paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act. (PFT team)