Advertisers
Nasunog ang isang residential area malapit sa Ospital ng Tondo sa Abad Santos Avenue sa Maynila nitong Biyernes, Mayo 6.
Dahil dito, ilang pasyente sa ospital ang inilikas sa Gat Andres Bonifacio Memorial Hospital.
Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP), umabot sa unang alarma ang sunog 9:30 ng umaga at umakyat pa ito sa ikalawang alarma 9:32 ng umaga.
Itinaas pa sa ikatlong alarma ang sunog 9:41 ng umaga bago ito idineklarang fire out bandang 10:49 ng umaga.
Ayon sa Senior Fire Inspector (SINSP) Magallanes ng BFP, walang naiulat na nasaktan sa nasabing insidente.
Samantala, inaalam pa ng BFP ang bilang ng mga pamilya at indibidwal na apektado ng sunog, gayundin ang halaga ng mga pinsala.(Jocelyn Domenden)