Advertisers

Advertisers

VP Leni sa mga tagasuporta: Magtiwala lang

0 331

Advertisers

MARAMING mga tagasuporta si presidential candidate Vice President Leni Robredo na aminadong kabado sa darating na halalan sa May 9, pero ang kanilang manok, chill lang.

Hindi kinakitaan ng kaba si Robredo sa huling linggo ng kampanya, at kahapon sa Sorsogon City, ang payo niya sa mga tagasuporta at volunteers: magtiwala lang.

“Magtiwala lang kasi hindi lang naman ako [ang] nagsipag, sila din. Hindi lang naman ang ‘yung ginawa ‘yung lahat pero sila din. ‘yung lesson naman natin sa buhay, basta lalaban tayo to the best of our ability pero sa tamang paraan,” sabi ni Robredo sa isang panayam sa media.



“Gagawin natin ang lahat, leaving no stones unturned. Hindi natin gagawin ‘yung masasamang ginagawa ng iba. ‘Yun naman ‘yung pinakamahalaga. Diyos na ‘yung bahala pagkatapos,” dagdag pa niya.

Kahit pa binugbog ng napakaraming fake news si Robredo ng mga katunggali ay lumaban siya nang patas.

Sa buong kampanya ay hinimok niya ang mga taga-suporta na tulungan siyang itama ang mga fake news para hindi na mabiktima ng kasinungalingan ang mga tao.

Pinasaringan din niya ang anak ng diktador na si Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. na pilit pa rin sinasabing nandaya siya sa eleksyon nuong 2016 kahit pa sinabi ng mismong Korte Suprema na walang dayaang naganap.

“Nakakalungkot na ngayon kasi, ‘yung pag-spread ng kasinungalingan, ganoon pa din. Halimbawa na lang, ‘yung election protest na brinand ako na nandaya. Ilang beses ko na siyang natalo sa Supreme Court, unanimous ang desisyon: 15-0. Ang narrative niya, dinaya pa rin sya,” ayon kay Robredo.



“Talagang ang sinungaling sa umpisa, sinungaling hanggan sa kahuli-hulihan. Kawawa ‘yung mga Pilipinong napapaniwala niya,” dagdag ni Robredo.

Kahapon ay naghanda ang mga kapwa Bicolano ni Robredo ng tatlong grand rallies: sa Sorsogon, sa Albay, at sa kanyang home province na Naga City, Camarines Sur.

Tulad ng inaasahan, libo-libong katao ang dumalo sa mga people’s rallies na ito.

Halos kalahating milyon naman ang inaasahan na dadalo sa Miting de Avance ni Robredo sa Ayala Avenue sa Makati City ngayong araw na ito, Sabado, May 7.