Advertisers
KULONG habambuhay ang hatol ng hukuman nang mapatunayang “guilty” sa pagkidnap sa 19 months old na batang babae ang tatlong miyembro ng Kidnap for Ransom Group (KFRG) noong Pebrero 2017.
Kinilala ang mga akusado na sina Maxima “Normie” Alastra Maraasin, Erlinda Wagas Tapayan, at Esperidion Canoy Alastra; habang ang nagreklamo ay si Maribeth Fernandez Geocadin.
Bukod sa pagkakabilango ng walang ibinigay na parole, pinagbabayad rin ni Hon. Judge Evelyn J Gamotin- Nery ng Regional Trial Court-Cagayan De Oro City Branch 19 ang mga akusado.
Samantala, pinawalang-sala ng korte sina Quinie M. Caliso, Cesar Ian Tapayan at Brian Tapayan.
Sa rekord ng Hukuman, noong Peb. 22, 2017 ay kinidnap ang batang si Sofia Faith Fernande Deocadin ng Buguac, Sta Cruz, Tagaloan, Misamis Oriental.
Sa isinagawang serye ng negosasyon, nadakip ang mga salarin at sinampahan ng kaso sa Misamis Oriental Assistant Prosecutor ll Hon. Joana l Jardeleza-Llagas sa Lumbia, Cagayan De Oro City ng ‘Kidnapping for ransom at serious illegal detention’. Nabigo ang mga otoridad na mabawi ang biktima.
Samantala, nagpapatuloy ang paghahanap sa biktima at base sa nakuhang impormasyon mula sa isang Roslie Vinson Martinico, isa sa mga person of interest na nakakulong sa New Bilibid Prison sa Muntilupa City, pinagbili ang biktima kapalit sa iligal na droga sa may parte ng Laguna at Cavite. (Mark Obleada)