Advertisers
Umabot na 5,652 mga pulis ang tuluyang sinibak sa serbisyo ng Philippine National Police (PNP) kaugnay ng patuloy na paglilinis sa hanay ng pambansang pulisya mula july 2016 hangang may 12,2022.
Sa PNP Directorate for Personnel and Records Management (DPRM), sinabi ni PNP OIC LtGen Vicente D.Danao Jr. mula sa 21,306 na pulis na kinasuhan 5,652 ang tuluyang sinibak sa serbisyo, 1,150 pulis ang na demote ng rank, 10,650 ang pinatawan ng suspensyon, 853 pulis ang pinatawan ng salary forfeiture, 2,491 pulos ang na-reprimanded, 222 pulos ang restricted sa quarter at 288 pulis ang tinanggalan nb previleges.
Samantala, 716 pulis na sangkot sa illegal drug, na kinabibilangan ng 504 personnel ,10 Police Commissioned officer, 479 Police Non commissioned officer, at 15 Non Uniformed personnel ang sinibak matapos na magpositibo sa paggamit ng iligal na droga, 183 pulis na kinabibilangan ng 11 PCO, 171 PNCO at 1 NUP ang sinibak sa serbisyo sanhi ng pagkakasangkot sa iligal drug mula July 2016 hanggang Nov 12,2021.
Habang 23 PNCO ang sinibak sa serbisyo matapos magpositbo sa paggamit ng illegal na droga habang PNCO ang sinbak sa serbisyo dahil sa pagkakasangkot sa iligal na droga mula Nov 13, 2021 hanggang May 4, 2022.
Sinabi ni Danao na hindi kinukunsinte ng PNP ang mga pulis na lumalabag sa batas at pagkakassngkot sa iligal na droga at a g lahat ng mga nasangkot sa ibat iligal na aktinidades ay ay napatawan ng karampatan kaparusa.
Ito ay nagpapatunay din na seryoso ang liderato ng PNP na itama ang lahat ng kamalian at parusahan ang dapat parusahan sa aming hanay dahil sa bandang huli, hindi lang ang PNP ang makikinabang dito kung hindi ang mamamayang Pilipino na aming pinagsisilbihan at pinoprotektahan,” paliwanag ni Danao.(Mark Obleada)