Advertisers

Advertisers

Dagdag-sahod sa NCR at Western Visayas aprub na – DOLE

0 339

Advertisers

KINUMPIRMA ng Department of Labor and Employment (DOLE) na aprubado na ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board (RTWPB) ang dagdag-sahod sa mga minimum wage earner sa National Capital Region at Western Visayas.

Sa ilalim ng Wage Order No. 23 na inilabas ng RTWPB-NCR noong Mayo 13, madaragdagan ng P33 ang minimum wage ng mga manggagawa sa Metro Manila.

Batay sa order, mula sa kasalukuyang P537 ay magiging P570 na ang minimum na arawang sahod ng mga non-agriculture sector sa NCR habang mula sa P500 ay magiging P533 ang sahod ng mga manggagawa sa agriculture sector.



Napag-alaman na November 22, 2018 pa nang huling magpatupad ng dagdag sahod sa NCR.

Samantala, sa ilalim naman ng Wage Order No. RBVI-26, nasa P55 hanggang P110 ang wage increase sa Western Visayas para sa mga manggagawa sa non-agriculture, industrial at commercial establishments.

Dahil dito, nasa P450 hanggang P420 na ang minimum wage sa rehi-yon.

“In addition, the Board granted a P95 increase for workers in the agriculture sector bringing the daily minimum wage to P410,” ayon pa sa ahensya.

Inaasahang nasa 214,836 minimum wage earners sa mga private establishments sa Western Visayas ang makikinabang sa bagong wage order habang isang milyong manggagawa naman sa NCR.



Samantala, inaprubahan din ng RTWPB sa Western Visayas ang dagdag na P500 sa sweldo ng mga kasambahay na kasalukuyang nasa P4,000.

“The last Wage Order for workers in private establishments and for domestic workers in Western Visayas took effect on November 26, 2019 and May 8, 2019, respectively,” pahayag pa ng kagawaran.

Ayon sa DOLE, isusumite ang NCR at Western Visayas wage orders sa National Labor Relations Commission para mapag-aralan.

Epektibo ang dagdag-sahod 15 araw matapos itong ilathala sa mga pahayagan ng general circulation.