Advertisers
INIIMBESTIGAHAN na ng Commission on Elections (Comelec) ang halos 1000 kaso ng vote buying sa nagdaang halalan.
Sinabi ni Comelec Commissioner George DErwin Garcia, nag-isyu ang poll body ng subpoenas sa mga respondents para magpaliwanag hinggil sa vote buying incidents.
Sa kaso naman ng disqualification may kaugnayan sa fraud at iregularidad, naisumite na ang mga kaso para sa reolution matapos na irequire sa mga respondents na maghain ng kanilang kasagutan.
Ang imbestigasyon naman sa iba pang kaso sa election fraud katulad ng nakitang mga data breach at umano’y ilang election paraphernalia na natagpuan sa isang bakanteng lote sa Cavite ay nagpapatuloy subalit tiniyak ng poll body sa publiko na ito ay magiging transparent sa kanilang imbestigasyon sa naturang mga kaso.