Advertisers

Advertisers

Monthly internet allowance ng titser – DepEd

0 285

Advertisers

MAGBIBIGAY ng buwanang connectivity at communications allowance ang Department of Education (DepEd) sa kanilang mga guro at personnel, ayon sa isang opisyal ng ahensiya.
Ito ay sa kasunod ng panawagan ng ilan na dagdagan ang pondo para sa allowance ng personnel ngayong nagpapatupad ng blended learning methods – o halong offline at online learning – sa bansa sa harap ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.
Nakasaad sa isang memorandum na ibinahagi ni Education Undersecretary Alain Pascua sa kaniyang Facebook page, nanawagan ang DepEd sa regional, division, at school employees na i-register at i-update ang kanilang impormasyon sa DepEd commons account para mapaghandaan ng ahensiya ang pamimigay ng connectivity allowance.
Kailangan kasing ilagay ng mga empleyado ang kanilang contact details, maging ang mobile internet network provider na gusto nilang gamitin para sa online teaching.
Ang mga naka-register at naka-activate lang ang accounts ang mabibigyan ng allowance oras na maipatupad ito, ayon kay Pascua. Binibigyan sila nang hanggang Setyembre 21 para makarehistro.
Matatandaang sinuspinde ni Pangulong Rodrigo Duterte ang face-to-face learning sa mga paaralan ngayong may COVID-19 pandemic hangga’t walang bakuna laban dito.
Nakatakdang magbukas ang klase sa Oktubre 5 para sa mga pampublikong paaralan habang may mga pribadong eskuwelahan nang nagsimula ng klase nitong Hulyo pero may ilan pa rin nagpasya na susunod sila sa schedule na itinalaga ng DepEd.