Advertisers

Advertisers

3 complainant magpe-presenta ng ebidensiya vs vote-buying – Comelec

0 239

Advertisers

NAKATUTOK ngayon ang Commission on Elections (Comelec) sa tatlong vote buying complaints matapos na matapang na ihayag ng mga complainants na handa silang magpresenta ng kaukulang ebidensiya na kailanganin ng poll body sa pag-uusig sa mga vote-buyers.

Ayon kay Commissioner George Garcia, pursigido ang tatlong complainants na maghain ng formal affidavit sa legal division para sa kanilang vote-buying complaints.

Isa sa tatlong complainants ay mula sa Cavite City habang ang dalawang iba pa ay kaalyado ng ibang lokal na kandidato.



Nauna nang sinabi ni Garcia na kailangan ng karagdagang ebidensiya para i-pursue ang filing ng kaso at binigyang diin na ang vote-buying ay isang criminal offense na nangangailangan ng konkretong ebidensiya.

Bukod pa dito, kanilang sisiyasatin ang kaso na idinulog ng Anti-Money Laundering Council (AMLC) kung saan malaking halaga ng pera ang winithdraw umano sa probinsiya ng Ilocos Sur.

Sa ngayon hindi pa isinasapubliko ang detalye dahil sa confidentiality ng isinasagawang imbestigasyon.

Hinikayat naman ni Commissioner Garcia ang susunod na Kongreso na magpatupad ng mas mabigat na penalty para sa vote-buying at gawing mas mapadali para sa sinuman na maghain ng complaint na sangkot sa vote-buying.

Sa ngayon kasi hamon para sa Comelec na ipursue ang mga vote-buying complaints dahil ang mga complainants ay umaatras kalunan sa kanilang complaints o di naman kaya ay hindi makapagbigay ng kailangang ebidensiya para patunayan ang kanilang inihaing kaso laban sa vote-buying.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">