Advertisers

Advertisers

HIGIT P4 TAAS-PRESYO NG LANGIS IPATUTUPAD

0 337

Advertisers

MAGPAPATUPAD muli ng panibagong bigtime oil price hike ngayong linggo.

Sa pagtaya ng oil industry sources, tataas ng P1.40 hanggang P1.70 ang presyo ng kada litro ng gasolina.

Higit na malaki naman ang magiging pasanin ng mga motoristang gumagamit ng diesel kung saan maglalaro sa P4.20 hanggang P4.50 ang inaasahang taas-presyo nito.



Pahayag ng Department of Energy-Oil Industry Management Bureau (DOE-OIMB), kabilang sa mga dahilan ng panibagong taas-presyo ay ang panahon ng tag-init sa mga bansa sa northern hemisphere mula Hunyo hanggang Setyembre; pagtaas ng demand sa langis ng China dahil sa pagluluwag ng lockdown at ang ipinataw na oil imports ban ng European Union sa Russia.

Noong lang nakaraang linggo nang magpatupad ang mga kumpanya ng langis ng P6.55 kada litro na taas presyo sa diesel at P2.70 sa gasolina.