Advertisers
MARIING nagbabala ang Philippine Overseas Employment Administration (POEA) sa mga nag-aapply ng trabaho laban sa text message scam na nag-aalok ng trabaho abroad.
Ayon sa Anti-Illegal Recruitment Unit ng ahensiya, sa naturang job scam nagpapadala ng text message sa mga biktima para i-click ang isang link na naglalaman ng detalye ng job opportunity.
Kapag nakatanggap ng naturang text message, i-ignore na lamang o i-delete dahil ito ay scam. Hindi ito mula sa POEA. Ang naturang text ay phishing scam kung saan kapag clinick ang link ay redirect ito sa isang website para makakuha ng personal data, password, account number o iba pang sensitibong impormasyon at gamitin sa iligal na aktibidad.
Nagpaalala rin ang POEA na makipagtransaksyon lamang sa ahensiya o sa mga accredited recruitment agencies kung nais nilang mag-apply ng trabaho abroad.