Advertisers

Advertisers

CHIEF POLICE INVESTIGATOR PATAY SA AMBUSH

0 290

Advertisers

PATAY ang isang chief police investigator nang pagbabarilin ng riding-in-tandem sa Iligan City, Martes ng hapon.

Ayon kay Iligan City Police chief, Maj Zandrex Panolong, nag-follow up si Sr. MSgt. Ruel Vacal sa korte sa pagpapalipat sa bilangguan ng nahuli nilang wanted person at dumiretso na sa pag-iim-bestiga sa isang robbery sa Barangay Tubod nang tambangan ng riding in tandem.

Si Vacal ay chief investigator ng Iligan City Police Station 4 at 19 taon na ito sa serbisyo.



Sa imbestigasyon, nabatid na inabangan ng mga salarin si Vacal sa Bgy. Tubod dahil ruta rin ito ng pulis papunta sa kaniyang bahay.

Ayon mga nakakita sa insidente, naka-helmet ang mga salarin.

Isang CCTV footage ang tinitingnan ngayon ng mga imbestigador upang kilalanin ang mga salarin.

“Dahil chief investigator siya, marami talaga siyang masasagasaan sa trabaho. Posibleng work-related ang motibo ng krimen,” ayon kay Maj. Panolong.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">