Advertisers

Advertisers

Pumapasadang PUVs nabawasan sa taas ng gas!

0 252

Advertisers

NABAWASAN ang mga pumapasadang pampublikong sasakyan sa gitna ng nararanasang pagtaas sa presyo ng produktong petrolyo.

Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ni Inter-Agency Council for Traffic (I-ACT) Chief Charlie del Rosario na hindi naman nila mapipilit ang operators at drivers na bumiyahe.

Gayunpaman, alalahanin aniya sana ng mga ito ang kaakibat na serbisyong publiko ng prang-kisa na ipinagkaloob sa kanila ng pamahalaan.



Binigyang-diin ni Del Rosario na ang gobyerno naman, sa pangunguna ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ay pilit na binabalanse ang kapakanan ng mga tsuper at pasahero, maging ang impak sa ekonomiya ng nararanasang sunod-sunod na oil price hike.

Binanggit nito na bilang pagkilala sa kapakanan ng mga operators at drivers tinaasan ng P1 ang minimum na pasahe sa mga jeep.