Advertisers
Sariaya, Quezon – Nasakote ng mga alagad ng batas ang apat na lalaking tumangay sa isang oil tanker na meron kargang 20,000 litro ng gasolina at krudo na nakakahalaga ng P1.5 million Martes ng gabi sa kahabaan ng Barangay Castanas Bantilan dito.
Kinilala ang mga nadakip na hijackers na sina Vincent Reyes, 31 anyos, residente ng Mauban, Quezon; Philippine Magtanggol; alyas “Joey”; at alyas “Joli”, mga nasa hustong gulang.
Sa report ng driver ng oil tanker truck na si Eman Molejon, 28, galing ng oil depot ang kanyang minamanehong truck at papuntang Lucena nang harangin siya ng isang gunman at mga kasama nito. Inagaw sa kanya ang manibela bago siya tinalian sa mga kamay at paa, piniringan sa mata, at ibinaba siya sa bahagi ng Eco Tourism Road.
Nagawa ni Molejon na makakalag sa pagkakatali at agad humingi ng saklolo sa mga nagpapatrolyang pulisya sa lugar na sina Sergeant Lowell Jess Zubia at Patrolman Genesis Vila.
Natagpuan ang tinangay na tanker truck, na pag-aari ng 4M Sales Transport Corporation, sa Barangay Manggalang Bantilan, kungsaan unang nagkaha-bolan ang mga pulis at ang mga hijacker.
Nakakulong na ngayon ang apat na hijackers sa Sa-riaya Muncipal Police at nahaharap sa kasong Hijacking. (Koi Laura)