Advertisers

Advertisers

Mga saradong kalsada sa araw ng inagurasyon ni PBMM inilabas ng NCRPO

0 201

Advertisers

ASAHAN na ang mabigat na daloy ng trapiko sa paligid ng National Museum sa pagdaraos ng oath-taking ni President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., bilang ika-17 Pangulo ng Pilipinas sa Hunyo 30.

Nabatid na kabilang sa mga isasarang kalsada sa paligid ng venue ay ang:
– kahabaan ng Padre Burgos Avenue mula P. Burgos Avenue mula Taft Avenue patungong Roxas Boulevard
– kahabaan ng Finance Road mula Padre Burgos patungong Taft Avenue
– kahabaan ng T.M. Kalaw mula Taft Avenue patungong Roxas Blvd
– kahabaan ng Ma. Orosa Street mula Padre Burgos Avenue patungong TM Kalaw Avenue
– kahabaan ng Gen. Luna St. mula Padre Burgos Avenue patungong Muralla Street
– kahabaan ng C. Victoria Street mula Taft Avenue patungong Muralla Street
-at kahabaan ng Ayala Blvd. mula Gen. Solano Street patungong Taft Avenue.

Dahil dito, pinapayuhan ng Philippine National Police – National Capital Region Police Office (PNP-NCRPO) ang mga motorista na umiwas muna sa mga pangunahing kalsada sa lungsod ng Maynila upang makaiwas sa anumang abala.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">