Advertisers

Advertisers

BBM-Sara tandem sana maibangon ang Pinas

0 292

Advertisers

SA tindi ng problemang kakaharapin nina President-elect Bongbong Marcos, at Vice President-elect Sara Duterte-Carpio sa kanilang pag-upo simula Hulyo 1 ng taon, wish natin na kanilang mapunuan ang inaasahan sa kanila ng higit 31 milyong Pinoy naglagay sa kanila sa pinakamataas na posisyon sa ating gobyerno.

Nanalo sina “BBM”, tawag kay Bongbong ng kanyang supporters; at “Inday”, tawag naman kay Sara sa kanya ng kanyang mga kaibigan, ng walang ipinangakong programa sa publiko kundi ang “pagkakaisa” o unity. Higit 31 million out of 65 million registered voters ang naghalal sa kanila noong Mayo 9.

Ang pinakamabigat na problemang kakaharapin nina BBM at Inday Sara ay ang kakapusan ng pananalapi ng ating bansa na nabaon sa utang, higit P13 trillion! Bunga raw ito ng pandemya sa Covid-19 at Build Build Build ng outgoing Duterte administratioon na natadtad ng katiwalian.



Pangalawang problema ng papasok na BBM administration ay ang walang humpay na pagtaas ng mga produkto ng petrolyo. Bunga raw ito ng giyera ng Russia at Ukrain. Pero bakit ang Malaysia mababa ang gas nila? At hindi naman sa Russia o Ukrain kumukuha ng suplay ng langis ang Pilipinas kundi sa Middle East eh. Ewan!

Posible sa pagsimula ng trabaho nina BBM at Inday Sara sa katapusan ng buwang ito ay higit P100 na kada litro ang gasolina at krudo. Araguy!!!



Sa pagtaas ng gasolina at krudo, siempre tumaas ang pamasahe at mga bilihin. Todo daing ngayon si Juan dela Cruz.

Nagkaroon ng krisis sa transportasyon dahil marami ang tumigil sa pamamasada, wala na raw kasi silang naiuuwi sa kanilang pamilya. Kaya namasukan nalang ng ibang trabaho ang ibang drivers, ang iba umuwi ng probinsiya para magsaka nalang.



Tapos tumataas na naman ang kaso ng Covid-19. Posible nga raw itaas ang status sa Alert Level 2 dahil pumapalo na sa higit isang libo kada araw ang mga nagkakasakit. Aray ko!

Makayanan kayang resolbahin ito ng BBM-Sara tandem? Ano kayang mga pormula ang iaaplay ng economic managers ng UniTeam sa mga problemang ito ng bansa? Malalaman natin ito sa kanilang 1st 100 days…

***

Nanumpa na si Inday Sara bilang ika-15 Vice President ng Pilipinas nitong Linggo kay Supreme Court (SC) Associate Justice Ramon Paul Hernando sa Davao City.

Saksi sa panunumpa ni Inday Sara ang kanyang hiwalay na mga magulang na sina Elizabeth Zimmerman at outgoing President Rody Duterte.

Marami ang nagtataka kung bakit wala sa tabi ni Inday Sara ang kanyang mister na si Atty Hans Carpio. Oo nga noh? Bakit kaya?

Kahit noong kampanyahan ay hindi natin nakita na kasama si Atty. Hans sa mga pag-iikot ng kanyang misis. Why o why? Hmmm…

Sa kanyang talumpati, sinabi ni Inday Sara: “Hindi ako ang pinakamagaling o pinakamatalinong tao sa Pilipinas at sa mundo, ngunit walang makakatalo sa tibay ng puso ko bilang isang Filipino.”

Parang si Digong din si Sara kung magsalita, noh? Hehehe… Well… makikita natin ang husay niya bilang Secretary ng Education at bilangVice President ng Pilipinas sa sunod na buwan. Subaybayan!!!