Advertisers
Kung hindi ma-trade ng Lakers si Russell Westbrook ngayong offseason ay hindi magbabago ang kanilang kapalaran.
Unang-una hindi talaga siya bagay sa Los Angeles kung saan ang mga kinikilalang mga bida ay sina Lebron James at Anthony Davis. 1-2 punch combination ika nga. Ang hirap na may pangatlong star na equal o halos pantay ang halaga na hindi naman sila swak sa loob ng hardcourt . Oo kahit pa yan ang pangarap nila na Big 3 sana.
Pangalawa ay ang laki ng suweldo ng numero zero ang jersey. Bale $47 na ang player option ang nakasaad sa kanyang kontrata. Aba mas mahal pa ito kina LBJ at AD.
Ayon kay Pepeng Kirat ay dapat pumayag na si GM Rob Pelinka na pakawalan ang first round pick nila sa 2027 basta ang mga kapalit ay mga batang player na may rim-protector na sentro, point guard na hindi ballhawk at 3 point shooter na may depensa. Oo tatlong average na manlalaro daw na kulang na kulang sa koponan ng tinseltown.
Hindi raw one on one na palitan na ang suweldo ay halos parehas lang ni Westbrook. Kasi raw sagad na sila sa salary cap kayai mga matatanda na naman ang makukuha nila muli.sa veteran minimum.
Kung matupad ang suhestiyon ni Pepe ay magkakaroon na ng maaasahang 8-9 na rotation si new Coach Darwin Ham.. Bukod kina James, Davis, Talen Horton-Tucker, Kendrik Nunn, Austin Reeves at Stanley Johnson at ang tatlong bago ay competitive na ulit ang Los Angeles.
Tapos kung nakabalik pa sina Carmelo Anthony sa old contract at Malik Monk sa veteran exception rule ay matindi pa rin opensa nila.
Sana lang mahasa sila sa kakatakutang team defense ng coaching staff upang maging serious contender sila.
***
Wala palang stock ang leather ball na Wilson sa mga tindahan ngayon. Ayon sa kanilang tagapamahagi ay July o August pa darating ang supply dito sa Maynila ng official ball na ng NBA.
Pati ang mga paliga ni ex-PBA player Rey Evangelista sa Ormoc, Leyte ay hindi naisponsoran ng bolang tatak Wilson sa dahil sa sitwasyong ito.
***
Totoong nabago na ni Coach Ariel Vanguardia ang Blackwater. Naitanim na niya ang winning attitude sa prangkisa ni Dioceldo Sy. Bagama’t hindi nila na-upset ang Barangay Ginebra sa kanilang 2nd game ay nagwagi naman sila sa Northport para sa W-L na 2-1 ngayong conference. Dati ay parati silang cellar-dweller. Worst league record pa na 29 straight games na walang panalo ay hawak pa nila.