Advertisers
Ni WALLY PERALTA
SUPER happy si Kylie Padilla sa kanyang pagbabalik serye via “Bolera” with Rayver Cruz at Jak Roberto, dahil sa hindi niya akalain na lalagpas pa pala sa expectation niya ang ratings ng kanilang serye. Naging constant toprater ang kanyang ‘Bolera’ simula nang ipalabas ito sa ere.
“Nagpapasalamat po talaga ako, lahat kami ng mga kasama ko, sina Rayver Cruz at Jak Roberto, sa mainit na pagtanggap ng viewers sa aming show.
“It inspires us para lalong pagbutihin ang aming trabaho and we assure them na mas masisiyahan sila sa mga darating pang episodes dahil mas paganda nang paganda ang takbo ng buong kuwento ng ‘Bolera’ in the coming weeks,” say ni Kylie.
Aminado si Kylie na maraming pagbabago ang nangyari sa kanyang buhay simula nang naging magulo ang kanyang marriage life sa hubby na si Aljur Abrenica na nauwi pa nga sa hiwalayan.
Bumaba ang kanyang self confidence hanggang sa dumating na nga ang offer na magbida siya muli sa kauna-unahang sport serye ng GMA-7, ang “Bolera”.
“I lost my self esteem, lahat. Parang nawasak lahat and I felt I have to build up from the ground up, while raising my two sons. And it’s not easy, my gosh. Kaya nagpapasalamat ako sa GMA for trusting me again and giving me another break.
“There was a time na akala ko, hindi na ako makakabalik. I felt like I’m back to zero. But the show proved na may puwang pa pala ako sa puso ng mga manonood.
I’m now all fired up to really do my best. I want to be part of every aspect of the show at gusto ko talagang mapaganda naming lahat ito so as not to disappoint our audiences,” dagdag na say pa ni Kylie.
***
PANGARAP talaga ng dating Belladonnas dancer na si Quinn Carillo na mapasok ang mundo ng showbiz, kung hindi man sa harap ay qualified naman siya sa mga off cam works tulad na lang ng pagsusulat ng screenplay.
True, may talent si Quinn sa paggawa ng screenplay at istorya ng isang pelikula at ilan na sa ginawa niya ay naisalin na sa pelikula. Sa ngayon ay nahaharap sa malaking hamon si Quinn sa kanyang showbiz career, dahil sa bukod sa siya ang co-screenplay writer ng movie na dinerehe ni direk Joel Lamangan, ang “Biyak” ay isa pa si Quinn sa nasa lead role kasama sina Angelica Cervantes, Albie Casino at Vance Larena.
May pagka-action ang genre ng ‘Biyak’ at tsikang sumabak na rin ang byuti ni Quinn sa mga daring roles, as expected knowing kung anong genre mayroon ang mga movies ng Vivamax.
“I play a former drug user na naging drug informer and asset for the cops. Binago ako ni direk, pati ang hitsura ko, ang hairstyle ko na iba-iba bawat eksena. Ang laking bagay that I get directed by Direk Joel kasi ang dami kong natutuhan sa kanya. Nag-action pa ako rito sa raid scene na ang hirap tumakbo kasi naka-high heels ako,” say ni Quinn.
On doing sexy scenes, tuluyan na nga kayang lumaban nang sabayan si Quinn sa mga kapwa niya sex nymphet sa Vivamax?
“I can’t say kung tuloy-tuloy na ako sa sexy roles. Basta I will do intimate scenes kung needed talaga siya sa character that I’ll portay, essential siya sa movie at kung malaki ang tiwala ko sa director. Hindi rin kasi ako that comfortable with my body so I hope the director, iingatan rin niya ang shots ko,” dagdag na say pa ni Quinn.