Advertisers
NASA mahigit 15,000 security personnel ang magbabantay sa inagurasyon ni President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa June 30 sa National Museum sa Manila.
Pahayag ni PNP director for operations Police Major General Valeriano de Leon, kabilang sa mga magbabantay sa seguridad ni Marcos ang mga pulis, sundalo, Philippine Coast Guard at iba pang security personnel.
Ia-activate aniya ang Task Force Manila Shield dalawang araw bago ang inagurasyon.
Ayon pa kay de Leon, maximum security ang ipatutupad sa inagurasyon ni Marcos.
May mga itatayong checkpoints at chokepoints sa lahat ng entry points sa Manila simula sa June 28.
Iiral naman ang gun ban simula sa June 27.