Advertisers

Advertisers

P1m marijuana, nakumpiska sa buy-bust sa Bulacan

0 304

Advertisers

Arestado ng mga tauhan nang Provincial Drug Enforcement Agency (Bulacan-PDEA) at Meycauyan police ang limang kalalakihan sa Brgy. Malhacan, Bulacan.
Kinilala ni P/Lt.Col. Bernardo Pagaduan, ng Meycauyan City police ang mga suspek na sina Nikki John Tablante, 33, ng Brgy. Sto. Niño, Meycauyan; Christian San Diego, 34, ng Brgy. Duhat, Bocaue; Lhordan Cabat, nasa hustong gulang ng Brgy. Sto. Rosario, Malolos City; John Mauroce Clemente; at Adler Ambiano, pawang mga taga Brgy. San Vicente, Paombong, Bulacan.
Sa ulat, nakumpiska sa mga suspek ang bloke-blokeng marijuana na nagkakahalaga ng P1 milyong piso, na nakalagay sa likurang bahagi ng kanilang sasakyan na isang kulay gray na Toyota Fortuner na walang plaka.
Samantala nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act ng bansa. (Thony D. Arcenal)