Advertisers
Patay ang isang barangay chairman nang pagbabarilin ng hindi pa nakilalang mga armadong salarin sa Butuan City, Agusan del Norte noong Biyernes ng gabi.
Dead-on-the-spot sa tinamong mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang biktima na kinilalang si Florencio Cagas, tserman ng Brgy. Sto Niño ng nasabing lungsod.
Sa report ng CARAGA Police, 7:10 ng gabi nang bigla na lamang sumulpot ang mga armadong salarin at nang matiyempuhan ang biktima sa Purok 7, Brgy. Sto. Niño at bigla na lamang pinagbabaril ito at mabilis na nagsikatakas.
Sa tala, si Cagas ang ikalawang opisyal ng brgy. na nilikida sa loob lamang ng isang linggo. Noong Hunyo 21, napaslang din ang Sanggunian Kabataan (SK) Chairman Nelbert Gacosta nang paulanan ng bala ng mga armadong salarin.
Nagsasagawa na ng masusing imbestigasyon ang pulisya upang matukoy ang motibo ng krimen at maaresto ang mga salarin.