Advertisers
Hinihingi ni Bagong Henerasyon Partylist Rep. Bernadette Herrera sa DEPED ang accounting ng mga biniling desktop computers sa ilalim ng DepEd Computerization Program noong 2017, 2018, 2019 at 2020.
Ayon kay Herrera, ang naturang mga computer ay maaaring ipagamit sa mga estudyante at guro sa halip na naka-tengga sa mga paaralan at campus.
Bukod dito, nais rin malaman ng mambabatas kung ilan sa naturang mga computers at laptops ang nanakaw.
Noong 2018 kasi, sa isang operasyon na ikinasa ng DEPED at PNP ay natuklasan ang pagbebenta online ng ilan sa mg DEPED issued desktop at laptops.
Bunsod nito ay pinasusumite rin ni Herrera sa DEPED at PNP ang isang komprehensibong report hinggil naman sa mga computer na ninakaw.
Pinasasama na rin nito ang inventory kung ilan sa mga computers na ito ang maaari pang gamitin, kaiaangan ng repair o hindi na gumagana.
Noong 2018 pinaglaanan ng P8.64 billion ang DCP habang tumaas naman ito sa P8.99 billion noong 2019.
Sa ilalim ng 2020 budget inilaan ito sa 4,300 e-classroom packages at 42,010 multimedia packages para sa mga eskuwelahan schools. (Henry Padilla)