Advertisers

Advertisers

Mga nasunugan sa Cebu, tinulungan ni Sen. Go

0 301

Advertisers

Nangangako na tutulungan ang mas maraming Pilipino na makabangon mula sa mga sitwasyon ng krisis, namahagi si Senator Christopher “Bong” Go ng tulong sa mga nabiktima ng sunog sa Cebu City noong Lunes.

Ang mga tauhan ni Go ay nagsagawa ng relief activity sa Manggahan Gym sa Barangay Punta Prinsesa kung saan namigay sila ng grocery packs, bitamina, mask, kamiseta at meryenda sa 805 pamilya na naapektuhan ng sunog kamakailan.

Sa isang hiwalay na pamamahagi, ang Department of Social Welfare and Development ay namahagi naman ng tulong pinansyal sa mga apektadong pamilya habang ang National Housing Authority ay tinasa ang mga pangangailangan ng mga biktima at binigyan sila kinakailangang tulong sa pabahay.



Dagdag pa rito, ang Department of Trade and Industry at ang Technical Education and Skills Development Authority ay nagbigay ng livelihood support at scholarship grant, ayon sa pagkakabanggit, sa mga kwalipikado sa mga assessment.

Sa kanyang video message, muling idiniin ni Go ang kanyang apela sa mga lokal na opisyal na paigtingin ang kanilang mga pagsusumikap sa proteksyon at pag-iwas sa sunog, kabilang ang mga kampanya sa kamalayan ng publiko, lalo na sa mga lugar na madaling masunog.

Itinulak din niya ang isang whole-of-government approach upang matulungan ang mga biktima na makabangon sa krisis. Binanggit ng senador, nagsisilbing vice chair ng Senate committee on public order, kung paanong ang Bureau of Fire Protection Modernization Act, na pangunahin niyang inakda at co-sponsor, ay magpapabuti sa kakayahan ng ahensya sa pagharap sa mga insidente na may kaugnayan sa sunog.

“Ngayon po na naipasa na natin ang Bureau of Fire Protection Modernization Act, nakakasigurado na po tayo na madadagdagan natin ang ating firefighting equipment, karagdagang firefighters, at monthly education campaign para turuan po ang ating mga kababayan na mag-ingat po. Bawat bahay na nasusunog, damay po ang kapitbahay. Kaya ingat po tayo parati,” ani Go.

Samantala, hinimok ng senador ang mga Cebuano na makibahagi sa national inoculation drive, na binanggit kung paano nagsikap ang gobyerno na makakuha ng ligtas at sapat na mga bakuna para sa proteksyon ng mga Pilipino.



“Mga kababayan ko, mayroon po kaming pakiusap ni Pangulong (Rodrigo) Duterte, kung hindi pa kayo bakunado, magpabakuna na ho kayo. Mas ligtas, mas maiiwasan ang pagkasakit, mas maiiwasan ang pagkamatay ‘pag kayo po’y bakunado.”

“Libre lang po ito, para sa inyo mula sa gobyerno. Pinaghirapan po natin ito kaya huwag niyo pong sayangin ang pagkakataon, magpabakuna na ho kayo,” mui niyang apela.