Advertisers

Advertisers

Bagyong Domeng nabuo sa Northern Luzon

0 242

Advertisers

GANAP nang nabuo ang panibagong bagyo sa may hilagang Luzon.

Tinawag ito ng Pagasa bilang bagyong Domeng, na siyang ika-apat na sama ng panahon sa Philippine area of responsibility (PAR).

Huling namataan ang sentro nito sa layong 940 km sa silangan ng extreme Northern Luzon.



Taglay ng sama ng panahon ang lakas ng hangin na 45 kph at may pagbugsong 55 kph.

Kumikilos ito nang pahilagang kanluran sa bilis na 15 kph.

Samantala, hanging habagat naman ang nagdadala ng ulan sa kanlurang bahagi ng Central at Southern Luzon.

Nitong Huwebes, nakalabas na ng Philippine Area of Responsibility ang Bagyong Caloy.

Huling namataan ng PAGASA ang nasabing sama ng panahon, 575 kilometers, kanluran ng Iba, Zambales.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">