Advertisers

Advertisers

2 estudyante tiklo sa 1,250 gramo ng marijuana

0 395

Advertisers

TIMBOG ang dalawang estudyante na itinuturing na High Value Individuals (HVIs) nang makuhanan ang mga ito ng 1,250 gramo ng marijuana na nagkakahalaga ng higit sa P.1 million sa isang buy-bust operation nitong Huwebes ng gabi sa Makati City.

Kinilala ni Police Brigadier General Jimili Macaraeg, director ng Southern Police District (SPD) ang mga suspek na sina Christian Perez, 22; at Alexandrew Gayagoy, 21.

Sa report, 9:30 ng gabi nitong Huwebes ng madakip ang mga suspek nang pinagsanib puwersa ng SPD at Makati City Police sa Tanguile Street, Barangay Cembo sa nabanggit na lungsod.



Bunsod ng ikinasang buy-bust operation ng mga pulis laban sa mga suspek nang makatanggap ng impormasyon hinggil sa iligal na gawain ng mga ito at isa sa mga operatiba ang nagpanggap na bibili ng droga.

Nakumpiska sa mga suspek ang 1,250 gramo ng marijuana na ang halaga nasa 144,000.00.

Nasa custody ngayon ng SPD ang mga suspek at sasampahan ang mga ito ng kasong paglabag sa RA 9165.(Gaynor Bonilla)