Advertisers
Nasawi ang isang Barangay Chariman ng barilin ng hindi nakikilang mga salarin habang nagmomotorsiklo sa Siocon, Zamboanga del Norte.
Kinilala ang biktima na si Berting Asiddin Inding, 54 anyos, Brgy. Captain ng Balagonan, Siocon, Zamboanga del Norte.
Ayon Kay Maj. Shellmie Chang, spokesperson ng PRO9, 11:58 ng gabi ng maganap ang pamamaril sa Brgy. Tibangao, Siocon, Zamboanga del Norte.
Nabatid na sakay ng biktima ang asawa sa isang motorsiklo habang binabaybay ang National road ng Brgy. Tibangao na tabihan ng mga dalawang salarin sakay sa isang motorsiklo.
Pinaputukan ng backrider ang biktima na tinamaan sa kaliwang leeg at bumagsak ang sinasakyan motorsiklo habang mabilis na tumakas ang mga salarin.
Dinala ang biktima sa Siocon District Hospital ngunit ninawian ng buhay habang nilalapatan ng lunas ng mga doctor.
Patuloy naman ang isinasagwang imbestigasyon ng mga otoridad upang matukoy ang pagkakakilanlang ng mga salarin at motibo ng pamamaril.(Mark Obleada)