Advertisers

Advertisers

Welder patay, 1 grabe nang kuyugin ng 3 construction worker

0 222

Advertisers

Patay ang isang welder at kritikal ang isa pa nang kuyugin ng tatlong construction worker sa Marilao, Bulacan Biyernes ng gabi.
Kinilala ang mga naaresto na sina Jhanlyn Albano Clacio, 29; John Mark Albano Clacio, 21; at Den Den Albano Clacio, 28, pawang stay in sa Sterling, Brgy. Patubig, Marilao.
At namatay ang welder na si Dave Panday Minong, 21, habang sugatan si Edwin Butil Aboniro, 42, kapwa stay-in din sa nabanggit na lugar.
Sa report, 10:45 nang mangyari ang pananaksak sa mga biktima habang bibili ng sigarilyo sa naturang lugar.
Nahaharap sa kasong murder at frustrated murder ang mga salarin.(James de Jesus)