Advertisers

Advertisers

SEN. GO: AWARENESS AT ACCESS SA BAKUNA, PALAKASIN

0 186

Advertisers

Hinimok ni Senate committee on health chair, Senator Christopher “Bong” Go ang gobyerno na palakasin ang “awareness and access” sa bakuna sa harap na naman ng ulat ng Department of Health na pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa bansa.

“Patuloy kong hinihimok ang gobyerno na palakasin pa ang ating kampanya sa pagbabakuna upang masakop ang maraming mga kwalipikadong indibidwal hangga’t maaari,” sabi ni Go sa isang pahayag.

Sinabi ni Go na maganda ang nagawa ng pamahalaan noong nakaraang taon sa pagkuha ng sapat na supply ng bakuna ngunit dapat palakasin ang mga pagsisikap na ito upang maabot ang mga lugar na may mababang rate ng pagbabakuna.



Nang tanungin kung sinusuportahan niya na ang booster shot ay gawing mandatory, sinabi ni Go na ang mga Pilipino ay dapat bigyan ng lahat ng tamang impormasyon na kailangan nila upang makagawa ng tamang desisyon.

“Bukod sa sapat na supply, ‘awareness and access’ sa mga bakunang ito ang kailangan para hindi masayang ang ating pinaghirapan. Kung pwede ay dalhin natin ang tamang impormasyon at mismong bakuna sa mga kabahayan lalo na sa mga liblib na lugar,” sabi ng senador.

Mula Hulyo 4 hanggang Hulyo 10, nakapagtala ang bansa ng kabuuang 10,271 bagong kaso.

Iyan ay humigit-kumulang 39% na higit pa kaysa sa mga kaso na naiulat noong nakaraang linggo, sinabi ng DOH noong Lunes. Sa kasalukuyan, 555 na kaso ang itinuturing na malala o kritikal.

Ang non-Intensive care unit bed utilization rate ay nananatiling mababa sa 22.7% habang ang ICU bed utilization rate ay nasa 17%.



Gayunpaman, sinabi ng DOH sa mga Pilipino na mag-ingat at huwag mag-panic, sa pagsasabing “ang virus ay narito upang manatili” at ang mga bagong impeksyon ay dapat na asahan.

Nitong Hulyo 10, nasa 71,055,752 Pilipino ang ganap nang nabakunahan, habang 15,342,652 ang nakatanggap ng kanilang mga booster shot.

Ang tanging paraan para lumaban at makabangon ang bansa mula sa pandemya, patuloy ni Go, ay magpabakuna ang mga Pilipino.

“Bagamat hindi natin mapilit ang mga tao na magpabakuna, kailangan nating mas ipaintindi sa mga nag-aalangan pa kung bakit ang bakuna lang ang tanging solusyon natin ngayon para labanan ang pandemya at tuluyang makabangon tayo sa lalong nadaling panahon,” ani Go.

Pinaalalahanan ng senador ang mga Pilipino na manatiling mapagmatyag at patuloy na sumunod sa mga protocol sa kalusugan at kaligtasan.