Advertisers

Advertisers

157 KATAO NA NAGKA-RABIES PATAY LAHAT – DOH

0 391

Advertisers

SINABI ng Department of Health (DOH) nitong Miyerkules na namatay lahat ang 157 katao na dinapuan ng rabies sa bansa, sa unang anim na buwan ng taong ito.

Ayon sa DOH, ang rabies ay mayroong 100% fatality rate kaya’t mahalagang maiwasan ang pagkalat ng virus sa mga hayop, gaya ng aso at pusa.

Anang DOH, noong mga nakalipas na panahon, may ilang kaso ng rabies ang nakaligtas ngunit bihira lamang anila itong mangyari.



Nauna rito, iniulat ng DOH na bumaba ng 5% ang bilang ng naitala nilang mga kaso ng rabies sa bansa sa unang kalahatian ng taong 2022, kumpara noong 2021.

Batay sa National Rabies Data na inilabas ng DOH nitong Miyerkules, nabatid na mula Enero 1 hanggang Hunyo 25, 2022, ay umaabot sa 157 rabies cases ang kanilang naitala sa bansa.

Mas mababa ito ng 5% kumpara sa mga naiulat na kaso sa kahalintulad na panahon noong 2021, na umabot sa 165 kaso.

Ayon sa DOH, pinakamaraming naitalang kaso ng rabies sa Region III (Central Luzon) na nasa 25 (16%); Region 4A (CALABARZON) na nasa 21 (13%); Region VI (Central Visayas) na nasa 17 (11%) at sa Region 11 (Davao Region) na nasa 16 (10%).

Nabatid din na karamihan sa mga kaso o 119 (76%) ay hindi bakunado ng rabies immunoglobulin (RIG) at/o rabies vaccine.



“Category III is the highest exposure history among reported rabies cases comprising 112 (71%) cases. Category III is defined as single or multiple transdermal bites or scratches, licks on broken skin, contamination of mucous membrane with saliva, and suspect contacts with bats,” anang DOH.

Karamihan o nasa 131 (83%) ng mga kaso ay nakagat ng aso.

Ang 77 o 49% naman ng 157 biting animals ng mga reported cases ay pawang domesticated at sa naturang bilang, 53 (69%) ang hindi bakunado laban sa rabies. (Andi Garcia)