Advertisers
SINAMPAHAN ng kaso ang isang pulis na nanampal ng da-lawang construction workers nang tanggihan siya sa alok na sigarilyo sa Barangay Centro 2, Sta Praxedes, Cagayan.
Pormal nang isinampa ang 2-counts ng ‘slander by deed’ laban kay Police Corporal Eufrecino Javier, Jr. sa Provincial Prosecutor’s Office sa Sanchez Mira, Cagayan, subalit pansamantalang pinalaya matapos itong makapaglagak ng piyansang P36,000.
Ayon kay Cagayan Police director, Col. Renell Sabaldica, hindi nila kailanman kukunsintihin ang maling gawain ng kahit ng sinumang miyembro ng pulisya at nagbigay katiyakang hindi magpapabaya ang Cagayan Police sa sinumpaan nitong tungkuling maglingkod at protektahan ang mga mamamayan.
Matatandaan na Hulyo 20 dakong 5:30 ng hapon nang sampalin ni Cpl. Javier sina Fidel Oroceo at Johnie Balanay nang mapikon matapos tanggihan siya ng isa sa mga biktima sa alok na sigarilyo.