Advertisers
Patay ang isang dating kapitan ng barangay nang barilin ng dalawang salarin habang nasa burol ng kaniyang asawa sa Biliran, Biliran.
Kinilala ang biktima na si Crispin Sumayan, dating chairman ng Barangay Julita sa Biliran.
Ayon sa ulat, nasa burol ng kaniyang asawa ang biktima noong Biyernes nang pagbabarilin ng dalawang salarin na tumakas sakay ng motorsiklo.
Nakuhanan pa ng CCTV camera ang mga salarin habang sakay ng motorsiklo nang tumakas.
Hindi na umabot nang buhay sa ospital ang biktima.
Nag-alok naman ang dating gobernador ng Biliran na si Roger Espina ng P500,000 pabuya sa makapagbibigay ng impormasyon para madakip ang mga salarin.
Patuloy pa ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa motibo sa krimen.