Advertisers
PINATITIYAK ni Senador Grace Poe sa Department Education (DepEd) na makarating ang school–based feeding program sa bawat mag-aaral na benepisaryo nito na may nakalaang P5.97-bilyong pondo sa ilalim ng 2021 national budget.
Ayon kay Poe, walang sinumang mga bata ang dapat mag-alala para sa kanilang susunod na kakainin sa gitna ng krisis sa COVID-19.
Taong 2018 nang isulong ni Poe ang pagsasabatas ng Republic Act 11037 o ang “Masustansyang Pagkain para sa Batang Pilipino Act,” na layuning labanan ang gutom at kulang sa nutrisyon para sa lahat ng mga batang Filipino.
Kasalukuyang tinatalakay ang panukalang pondo sa budget delibration sa Kongreso.
Welcome rin sa senador ang pagbabago sa implementasyon ng school feeding law sa gitna ng pandemya kung saan mahigpit na ipinagbabawal ang face-to-face learning sa mga eskuwelahan.
Sa halip, ipamamahagi na lamang ng DepEd ang mga pagkain sa mga estudyante sa mga bahay o maaaring kunin na lamang ng kanilang mga magulang sa paaralan.
Nabatid na ang target beneficiaries nito, ang lahat ng mga incoming kindergarten learners at ang mga Grade 1 hanggang Grade 6 students na lubhang nasayang lamang batay sa ulat sa School-based Feeding Program ng 2019-2020, maliban sa mga nasa Grade 7 na.
“Good nutrition is unquestionably linked to a child’s growth and development. Nutritional intervention at a very early stage will give our children greater fighting chance to survive life-threatening diseases and enhance their physical, intellectual, social, emotional and moral development,” paliwanag ni Poe.
“The way we feed our children today will dictate the nation we have tomorrow,” dagdag pa ng senador. (Mylene Alfonso)