Advertisers
Nakapulot ng isang magsasaka ang bumagsak na bahagi ng meteorite sa bulubunduking lugar sa Palawan.
“Pinatingnan ko na po ito sa mga medyo may alam. Base po sa kanilang advise sa akin, isa nga daw po itong meteorite,” ayon sa isang Pastora.
“Nabanga lang ito ng paa kapatid ko na magsasaka kaya napansin niya. Kumakarit sila doon sa bundok. Nabangga ng paa niya. Tumama sa bota niya, lumagutok.”
“Pinulot niya po, tapos tinago niya tapos tinanong niya ako kung may alam akong pwedeng may kilalang magbili ng bato”.
“Ni-research ko po kasi, sa pagkaka-intindi ko sa item na ‘yun… Kabilang siya sa tatlong klase na sinasabing meteorite. “
“Pag-iniilawan ko po siya may tatlong klaseng kulay na lumalabas sa loob ng bato. Binibili sa’min ng P300,000.00 pero hindi ko binigay.”
“Gusto ko po mabenta sa tamang bibili [ presyo],” Pastora
Kamakailan, may iniulat na isang OFW sa Saudi Arabia na nakapulot ng isang bulalakaw o meteorite na nagkakahalaga ng 11.6 million riyals o mahigit sa 170 million pesos.