Advertisers
NATISOD ng EccoOil-La Salle ang No.2 seed sa 2022 PBA D-League Aspirants Cup matapos ilatag ang komportableng 92-49 wagi laban sa malungkot na AMA Online, sa Ynares Sports Arena sa Pasig.
Pinamunuan ni Raven Cortez ang opensiba ng La Salle sa Iniskor na 21 points at 12 rebounds.
Aaron Buensalida, Benjamin Phillips at Isaiah Blanco nagtala ng double-digits, para sa Green Archers para tapusin ang elimination round sa 5-2 win-loss card.
Makakasama nila ang top-seeded Apex Fuel-San Sebastian sa Final Four, at hihintayin ang mananalo quarterfinals sa pagitan ng Adalem Construction-St.Claire,Marinerong Pilipino,CEU and Builders Warehouse-UST.
“We wanted to be in the No. 2 spot so napaka-importante nito sa amin kasi we go to the semis right away,” Wika ni assistant coach Gabby Velasco, na nagsalita para kay chief tactician Derrick Pumaren.
John Cris Yambao umiskor ng 18 points, rebound, assist at steal para sa AMA.
Tinapos ng AMA ang paligsahan sa pinakamasaklap na 0-7 rekord, kasama ang Wangs Basketball@26 Letran sa exit door ng eight-team tournament.
Ang Iskor:
EcoOil-La Salle 92 – Cortez 21, Buensalida 12, B. Phillips 11, Blanco 10, Austria 9, Escandor 9, Nwankwo 6, Estacio 5, M. Phillips 5, Macalalag 4, Alao 3.
AMA Online 49 – Yambao 18, Baclig 6, Villamor 6, Ceniza 6, Pineda 3, Malones 3, Cruz 2, Reyes 2, Gonzales 2, Kapunan 1, Cruz 0,